tuldik (`) sa mga salitáng may diing malumi at inilalagay sa ibabaw ng hulíng patinig ng salita, hal lumà, suyò, yumì
tul•dík pa•hi•lís
1:
tuldik (´) sa mga sali-tâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita, hal gandá, tagál
2:
tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpu-an sa pangalawa sa hulíng patinig, hal gábe, bayábas
3:
tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong diin sa unang pantig, hal para maibukod ang bigkas ng kátu-wáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló.
tul•dík pa•kup•yâ
:
tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na nása dulo ng salita hal ngatâ, ngitî, tukô.